Karamihan ng lungsod sa Metro Manila nasa moderate risk na – OCTA

Kinokonsidera na ngayon ang lahat ng lugar na nasa ilalim ng National Capital Region (NCR) bilang mga moderate risk sa COVID-19 sa gitna ng patuloy na pagbaba ng bilang ng bagong infections.

Sinabi ng OCTA Research Group na  base sa datos ng Department of Health (DOH), ay meron average na bilang ng bagong mga kaso sa Metro Manila mula June 9-15 na mas mababa bg 829 na kaso kada araw.

13-percent naman ito na mas mababa kumpara sa mga nagdaang linggo.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Inihayag rin ng DOH na meron hospital bed occupancy ang rehiyon na aabot sa 35%, habang ang mechanical ventilator occupancy naman ay nasa 33% na nasa ilalim ng safe levels.

Ipinunto naman ng OCTA na kailangan ng LGUs na sikaping maibaba sa 10 infections per 100,000 na populasyon ang average daily attack rate nito, na kinokonsidera na treshold para sa ilang lugar bago ito ma-classify bilang high risk.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Mababatid na nasa 3.85 ang ADAR ng Navotas City na pinakamababa na mula June 9-5 kung saan ay naitala nito ang average na sampung bagong kaso kada araw.

Sumunod naman ang Marikina na may 4.35 ADAR, Caloocan na may 4.49, Malabon na may 4.74, at Quezon City na may 5.19.

Nagawa naman ng Pateros, na may pinakamataas na ADAR sa lahat ng LGUs sa Metro Manila na nasa 9.24, na maitala ang pinakamababa nitong average new daily cases na nasa anim.