MENRO LGU Daraga nagsagawa ng IEC sa bawat Barangay ng solid waste management program

LEGAZPI CITY –  Nagsasagawa ngayon ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Local Government Unit (LGU) Daraga sa bawat barangay ng information Education Campaign (IEC) ng Solid Waste Management Program.

Ayon sa nasabing opisina, massive information Education Campaign ang ginagawa sa mga barangay ng Daraga upang magbigay ng kaalaman sa pagsegregate ng basura sa kanilang tahanan o negosyo.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Aniya, kailangan paigtingin ang pagsunod sa wastong pamamahala ng basura sa loob ng iba’t ibang sektor ng barangay o business establishment.

Pinayuhan rin ang mga residente at establisyimento na nakararanas ng mga problema at kahirapan sa pagpapatupad ng programa upang mapagaan at matugunan ang mga problema sa kanilang nasasakupan pagdating sa solid waste management act.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Dagdag pa nito may mga residente umano sa mga barangay na hindi pa nakakasunod ng tamang segration o kaya naman walang pakialam sa wastong pagtatapon ng basura.

Dahil dito kailangan ipaalala sa kanila ang segration ng pagtatapon ng basura.