Menor de edad, sugatan sa pananaksak sa Lucena City

Sugatan ang isang menor de edad matapos itong saksakin ng isang lalaki sa Barangay Ibabang Iyam, Lucena City nitong Lunes, Hulyo 1.

Ayon sa report, bandang alas-10:00 ng gabi, nakatayo umano noon ang menor de edad sa labas ng kanilang bahay nang dumating ang pinaniniwalaang lasing na suspek saka walang anu-ano nitong sinapok ang biktima na nauwi naman sa komprontrasyon.

Read More:  Deadly Isabela blast leaves four dead and four children injured

Sa gitna nito, kumuha ng kutsilyo ang suspek at dalawang beses na sinaksak ang biktima saka tumakas.

Read More:  4 killed, 17 injured after truck crashes into tree in Southern Leyte

Samantala, dinala naman sa hospital ang biktima matapos magtamo ng saksak sa isang daliri at kanang bahagi ng tiyan.

Sa ngayon, inihahanda ang reklamong Attempted Homicide laban sa suspek.