Member Consumer Nababahala sa kanilang mga kagamitan

Galit na galit ang mga Member Consumer (MCOs) dahil sa sunod-sunod na patay sindi ng linya ng kuryente sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat.

Umaalma ngayon ang mga konsumers ng Sultan Kudarat Electric Cooperative o SUKELCO Lebak/Kalamansig matapos ang sunod sunod na black out sa naturang bayan.

Ayon sa panayam ng BNFM-Lebak sa isang konsumer na itatago na lang sa pangalang “Liza”, ayon sa kanya naging luksong koneho, o biglaang tumaas ang bill ng kanilang kuryente na dati ay ₱1,400.00 na ngayong ay naging ₱2000.00+ na, ni hindi naman sila dumagdag ng appliances.

Dagdag pa niya isang TV ang nasira dahil sa naturang black out.

Samantala, siya ay nanawagan na ayusin na ang serbesyo ng NPC at AGGREKO, at mag bigay abeso bago isagawa ang black out ng sa gayon ay hindi nakakasira ng mga kagamitan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *