Melchor Quirino Sadang, itinalaga ni PBBM bilang bagong Chairman ng PCGG

Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos ang retired Court of Appeals Justice na si Melchor Quirino Sadang bilang bagong Chairman ng Presidential Commission on Good Government o PCGG.

Ito ang inanunsyo ng Presidential Communications Office, ngayong hapon.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Si Sadang ay kabilang noon sa binuong five-man committee na nag imbestiga at nag review ng courtesy resignations ng mga high ranking officials mula sa PNP.

Nabatid na bago si Sadang, tumatayong Chairman ng PCGG si John Agbayani, na kinasuhan ng kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ang PCGG ang ahensya ng gobyerno na nakatutok sa pag rekober ng mga ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.