Melai Cantiveros, napatawad na ang basher na lumait sa kanyang anak

Napatawad na ni Melai Cantiveros ang basher na nanlait ang kaniyang anak.

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Melai ang komento ng isang basher na pinuna ang kaniyang pag-si ship umano kina Kyle at Chie, at idinamay pa ang anak ng host na tinawag nitong pangit.

Read More:  Yeng Constantino says husband Yan Asuncion is not jealous of Ryan Bang

Babala ng host at komendyante sa kanyang komento, ipapahanap umano niya sa NBI ang naturang basher at kakasuhan.

Read More:  Tyronia Fowler breaks down over online bashing amid Toni Fowler-Jelai Andres issue: “Grabe naman na po kayo!”

Sa update ni Melai sa naturang insidente, kinumpirma nitong nagreach out sa kanya ang basher at humingi ng paumanhin.

Marami umanong palusot ang basher, na hindi naman pinaniniwalaan ng komedyante sa mga dahilan nito, pero pinatawad naman umano niya ito. //MHEL PACIA-TRINIDAD