Nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng Filipino actress na si Cherie Gil si Megastar Sharon Cuneta.
Sa kanyang instagram post, ibinahagi ni Sharon ang masasaya nilang ‘throwback’ pictures kasama ang kaibigan.
Sa post, sinabi nitong kahit saan man s’ya magpunta ay kasama niya ang actress na may caption pang “No Dorina without Laviña.”
Pahayag ng Megastar, halos kalahati ng buhay niya ang nawala mula nang pumanaw si Cherie.
Magtatatlong linggo na rin mula nang namatay ang actress ngunit ayon kay Sharon pakiramdam niya na parang kahapon lang ito lumisan.

Naging magkatrabaho si Sharon at Cherie sa isang classic film na “Bituing Walang Ningning” kung saan sumikat ang linya ng actress na, “You’re nothing, but a second rate, trying hard, copycat!”
Maaalalang pumanaw si Cherie dahil sa sakit na endometrial cancer noong August 5. (RSB | PHOTO: SHARON CUNETA IG)