Kevin Durant, mananatili sa Brooklyn Nets

Mananatili pa rin sa Brooklyn Nets si Kevin Durant matapos ang isinagawang pag-uusap ng management team ng club.

Matapos humiling ng trade mula sa club noong June 30, nakipagpulong si Durant sa mga pinuno ng Nets sa Los Angeles upang talakayin ang kanyang career.

Sa isang pahayag mula kay Nets Manager Sean Marks kahapon, ang 33-year old 12-time NBA All-Star ay mananatiling isang Brooklyn Player.

Ayon kay Marks, sila ay nakatuon sa basketball na may iisang layunin na bumuo umano ng pangmatagalang franchise na magdadala ng kampeonato sa Brooklyn.

Sinabi nito ang pahayag matapos lumitaw ang mga haka-hakang ibinabato kontra sa ‘future’ ni Durant.

Marami umanong mga koponan ang naiulat na interesado sa muling pagsasaayos ng kanilang mga roster sa pagsisikap na makuha ang superstar. (RSB | PHOTO: Sky Sports)