Mega COVID-19 vaccination site sa Nayong Pilipino, tuloy- Palasyo

Mega COVID-19 vaccination site sa Nayong Pilipino, tuloy ayon sa Palasyo Tuloy umano ang proposed mega vaccination facility sa loob ng property ng Nayong Pilipino Foundation (NPF).

Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles, inaasahang lalagdaan na ang memorandum of agreement para rito. Una nang sinabi ng NPF na di bakanteng lote ang site pero mayroon itong urban forest na mayroong urban wildlife at pag pinutol ang nasa 500 puno roon, mamamatay ang ecosystem.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Pero sinabi ni Port magnate Enrique Razon ng International Container Terminal Services Inc (ICTSI) na nag-alok na itayo ang facility na ang nasabing property ay reclaimed land at di urban forest.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Inihayag ni Nograles na mayroon na lamang ilang minor technical edits bago lagdaan ang MOA para rito. Mababatid na tuloy-tuloy ang vaccination program ng pamahalaan kung saan target na mabakunahan ang 170 milyong katao ngayong taon.

Sinabing kayang magbakuna ng 10,000 katao kada araw sa nasabing vaccination center sa Nayong Pilipino na makakatulong sa pagpapabilis na makamit ng bansa ang herd immunity.