BASAHIN: Mensahe ni PRRD ngayong Eid’l Fitr

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na magbigayan at magpakita ng awa kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr. 

Sa kanyang mensahe, sinabi ng pangulo na ang selebrasyon ngayon ng pagsasakripisyo at pagkakaisa ay mas makahulugan dahil nahaharap ang Pilipinas sa COVID-19 pandemic. 

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Aniya, ating salubungin ang bagong pag-asang hatid ng Eid para sa kapayapaan, kasaganahan, paghilom at lakas sa pagbuo ng mas maliwanag na kinabukasan para sa mga Pilipino. 

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Dagdag ng punong ehekutibo, sa pagdiriwang Eid’l Fitr, dapat ay ma-inspire rin ang mga tao na patuloy na isulong ang kapayapaan, pagkakaisa, at good will.

Mababatid na idineklara ng pangulo ang May 13 bilang regular holiday para sa nasabing selebrasyon.