Meeting ni Pangulong Marcos kay Biden sa susunod na linggo, pina-finalize pa

Pina-finalize pa umano ang posibleng pulong ni Pangulong Bongbong Marcos kay US President Joe Biden.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, na “in consultation” pa sila sa White House at sa US National Security Agency.

Read More:  14 countries stand behind Philippines on landmark South China Sea arbitral ruling

Mababatid na sa September 18, nakatakdang bumiyahe si Marcos papuntang US kung saan magtatalumpati siya sa harap ng 77th United Nations General Assembly (UNGA) na nakasentro sa efforts ng bansa na makarekober mula sa COVID-19 pandemic.

Kabuoang 152 heads of state ang dadalo sa UNGA, na maaring me-meet din ng pangulo.

Read More:  House prosecution: ‘typo’ issue won’t erase evidence against VP Sara Duterte

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, inaasahang ang magiging talumpati ni Marcos ay may kaugnayan sa kung papaanu nagrerekober ang Pilipinas mula sa pandemya, at maaring maisama ang mga prayuridad ng gobyerno gaya ng climate change, rule of law, at food security.