Maitim na kulay ng tubig sa lunsod ng Legazpi, Albay, ipinaliwanag ng Legazpi City Water District (LCWD)

LEGAZPI CITY – Ipinaliwanag ng Legazpi City Water District (LCWD) ang tungkol sa pagkakaroon ng maitim o mala-tsokolate o kapeng kulay ng tubig na nararanasan ng mga consumer sa lunsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay LCWD Acting General Manager Ave Florinda Buban, inihayag niyang nagkaroon sila ng repairs noong mga nakaraang mga buwan, kung saan kinakailangang patigilin ang daloy dahil hindi maaayos ang mga linya kung hindi patitigilin ang suplay sa lugar.

Read More:  Teen allegedly killed by stepfather after separation in Cebu

Aniya, nakakaapekto umano ang pag-aayos na kanilang ginagawa, lalo na kung mayroong mga biglaang leakage na nakakahadlang sa mga ginagawang construction sa mga kalsada.

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Dagdag pa ni Buban, nagiging dahilan din ng pagkakaroon ng “murky” o maitim na kulay ng tubig kapag mayroong natamaan na linya at kapag hindi normal ang pressure.