Medical frontliners, hospital employees na pinakaunang nabakunahan ng AstraZeneca tatanggap na ng second dose simula ngayong araw

CAMARINES NORTE- Tatanggap na ng second dose simula ngayong Lunes, June 7 hanggang sa Biyernes June 11 ang mga medical frontliners at hospital employees na pinakaunang nabakunahan ng AstraZeneca COVID- 19 vaccine.

Kaugnay nito inanunsiyo ng Provincial Health Office (PHO) na pansamantalang magsasara ang Out Patient Department (OPD) ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH), maliban sa Animal Bite Treatment Center

Ito ay upang magamit ang OPD sa pagbakuna ng second dose laban sa coronavirus ng mga empleyado ng ospital.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Dati na ring nag abiso ang PHO sa mga nakatakdang tumanggap ng second dose ng AstraZeneca vaccine na makipag ugnayan sa OPD para sa kanilang schedule.

Matatandaan na nagsimula ang vaccination rollout sa lalawigan noong Marso sa pagdating ng unang batch ng nabanggit na brand ng bakuna.

Hindi nagtagal ay sunod- sunod namang dumating ang Sinovac vaccine kaya’t nabakunahan na rin ang iba pang mga kasama sa priority list.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa pinakahuling vaccine statistics ng Department of Health ( DOH)  nasa 18, 960 na ang mga nabakunahan sa lalawigan.

Isang daang porsiento nang nakapagbakuna ng first dose para sa mga nasa priority list habang 20 porsiento ang nabigyan na ng second dose.