MDRRM Caramoan, nasa defensive mode matapos na umabot na sa Catanduanes ang abo mula sa Bulkang Mayon

CAMARINES SUR- Hindi inaalis ng Caramoan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRM) ang posibilidad na umabot sa kanila ang abo mula sa nag-aalburutong Bulkan Mayon kaya ngayon ay nasa defensive mode.

Noong weekend umabot na sa Catanduanes ang Ash Fall; ang mga isla ng Caramoan, Camarines Sur at nasabing lalawigan ay magkalapit lamang.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay MDRRM Officer Christian Aries Guevarra , sinabi nitong mayroon ding silang contingency plan at nakahanda ang facemask. Nakahanda rin silang mag-ikot sa mga barangay upang maiparating sa mga residente ang mga abiso ng Department of Health.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

2018 nang umabot din sa bayan ang Ash Fall at hindi ito malayong mangyari depende sa direksyon ng hangin, katunayan nitong nagdaang weekend inobserbahan nila ang nakulimlim na kalangitan.