Mayweather Jr. vs Logan Paul fight, kasado na!

Opisyal nang inanunsiyo ang pagbabalik sa ring ni retired undefeated boxer Floyd Mayweather Jr.

Makakaharap ni Mayweather sa isang boxing match si internet star-turned-boxer Logan Paul.

Read More:  Chicago Bulls overpower Milwaukee Bucks, cruise to 125-104 win

Sa video na inilabas ni Paul sa kanyang twitter account, sinabi nitong gaganapin ang kanilang laban ni Mayweather sa Hard Rock Stadium sa Miami Florida.

Una nang itinakda ang laban ng dalawa noon sanang Feb. 20 subalit bigla itong kinansela.

Read More:  Carlos Yulo advances to vault, floor exercise finals at World Championships

Magugunitang huling lumaban si Mayweather noong 2018 sa isang exhibiton match kontra kay kickboxer Tenshin Nasukawa kung saan tinalo nito via knockout ang Japanese fighter.