Mayor Ogena ng Koronadal, top performing mayor sa Pilipinas

KORONADAL CITY – NAPABILANG sa Top Performing City Mayor sa Pilipinas si Koronadal City Mayor Eliordo Ogena. Ito ang base sa ipinalabas na datos ng RP-Mission and Development Foundation, Inc. o RPMD Job Performance Ratings noong Setyembre 20 hanggang 30, 2023. Pasok sa Top 10 si Ogena na indikasyon ng totoong dedikasyon at walang tigil na serbisyo sa mga mamamayan sa lungsod.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Si Ogena ay nakakuha ng 80.28% na Job Performace Rating. Nanguna sa may pinakamataas na rating ay ang alkalde ng Surigao City na si Mayor Paul Dumlao na nakakuha ng 86.81%; sinundan ni John Dalipe ng Zamboanga City na nakakuha ng 86.63%; 86.13% naman ang nakuha ni Mayor Ronnie Lagnada ng Butuan City; nakapasok naman si Mayor Lucilo Bayron ng Puerto Prinsesa City, Palawan na nakakuha ng 85.45%; nakapasok din si Mayor Sebastian Duterte ng Davao City na nakakuha sang 85.26%; 84.72% naman ang nakuha ng alkalde ng Calapan na si Marilou Morillo; 84.55% naman ang nakuha ni Mayor Jose Relampagos ng Panabo City; 84.31% naman ang nakuha ni Mayor Rey Uy ng Tagum City; at pasok din si Mayor Bruce Mantalabao ng Cotabato City na nakakuha ng 82.64%.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City