May-ari ng 2 sasakyan sa Pampanga na iniuugnay sa Batangas drug haul, tukoy na – PNP

Tukoy na ng Philippine National Police ang may-ari ng 2 abandonadong sasakyan na natagpuan sa San Luis, Pampanga.

Ang dalawang sasakyan na ito ay iniimbestigahan na ng PNP matapos makitang kasabayan nito sa kalsada ang van na nahulihan ng ₱9.6 billion pesos na halaga ng droga sa Alitagtag, Batangas.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col Jean Fajardo, kabilang na ito ngayon sa listahan ng kanilang persons of interest.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Samantala, sa isinagawa naman pagsusuri ng Forensic Group, negatibo ang 2 sasakyan sa drug residue.

Pero may nakita aniya na mga bote sa loob ng sasakyan na isinasailalim pa sa pagsusuri.