Mavs sunog sa Suns sa Game 2 ng West semis, 129-109

Sinunog ng Phoenix Suns ang Dallas Mavericks sa Game 2 ng NBA western conference semi-finals para angkinin ang 2-0 lead sa serye.

Humakot ng 59 combined points sina Devin Booker at Chris Paul at tinambakan ang Dallas 129-109.

Susi sa panalo ang mainit na 4th quarter run ng Suns para lumayo mula sa pumapalag na Dallas.

Nagtala ng 35 points si Luka Doncic para sa Mavs subalit kulang ang nakuha nitong tulong sa opensa mula sa kanyang teammate.

Sa ibang laro, 2-0 na rin ang standing sa East semis pabor sa Miami Heat kung saan kalaban nito ang Philadelphia 76ers.

Tinalo ng Heat ang 76ers sa Game 2, 119-103.