Matinding init ng panahon, tinitingnang sanhi ng phreatic eruption ng Bulkang Kanlaon

Kinumpirma ng Kanlaon Volcano Observatory na ang ang pagputok ng bulkan kagabi ay isang phreatic eruption, na nangyayari ang kapag mayroong mataas na lebel ng tubig sa crater ng bulkan.

Malaking dahilan ang matinding init ng panahon sa pagtaas ng antas ng enerhiya na nagtulak sa tubig pataas at pagbuga ng “incandescent elements,” o yung mga ashes at mga gas.

Dagdag pa ng KVO, namonitor nila ang pagtaas ng seismicity sa bulkan nitong mga nakaraang buwan.

Samantala, pinayuhan ng mga airline companies ang mga pasahero na suriin ang status ng kanilang mga domestic flights dahil maraming ang nakansela kasunod ng pagputok ng bulkan.

Nilinaw naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na hindi pa kailangan ng diversion ng flights sa ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *