Kwestyonableng pamamahala sa pondo para sa COVID-19 response noong nakaraang administrasyon, pinuna ng isang House leader

Nababahala si House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin sa naging pamamahala ng gobyerno sa inutang na pondo para sa pagtugon sa COVID-19.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, partikular na nabanggit aang kabuuang 2.21 billion US Dollars na inutang ng pamahalaan para sa Philippine COVID-19 Emergency Response Project at Health System Enhancement to Address and Limit COVID-19 sa taong 2021 at 2022.

Read More:  Drilon: Senate has no legal basis for protective custody

Ayon kay Garin, kung ico-convert sa piso ay lumaki na sa 129.3 billion pesos ang utang ng Pilipinas.

Sa kabila aniya nito ay marami pa rin ang namatay, maraming healthcare workers ang hindi nababayaran, mga ospital na hindi nare-reimburse at hindi tiyak kung ang mga binili ay talagang nagamit.

Read More:  DICT confirms online posts encouraging people to cause trouble at the Senate

Ang pinangangambahan pa ng dating kalihim ng Department of Health ay ang kawalan umano ng pananagutan at responsibilidad sa paggamit ng inutang na pondo kaya karagdagang pabigat ito sa mamamayan.

Nakumbinse naman si Garin na tila nagamit ang COVID-19 response bilang oportunidad para maghirap umano ang publiko.