Nagtataka ang Subic Water kung bakit natatagalan ang National Commission On Indigenous People o NCIP Region 3 Office sa pagapruba sa water system project para sa Iram Indigenous Tribe, New Cabalan, Olongapo.
Ito ay dahil sa wala pa ring natatanggap ang subic water na tugon o pagresponde ng NCIP regional office ukol sa patubig project nong mga nakaraang buwan.
Ayon sa Subic Water, mas mapabilis pa sana ang pagtugon ng ncip region 3 dito, dahil ang unang makikinabang sa proyektong patubig ay ang mga katutubo sa lugar.
Dagdag pa nila, nakahanda na ang kanilang materyales, kagamitan at mga contractors para magawa na kaagad ang patubig dahil sa hinahabol nila ang tagtuyot sa susunod na taon. Samantala, napirmahan na ang memorandum of agreement para sa water system ng IRAM TRIBE nakaraang buwan ng Agosto. // ARJAY SUPE – BNFM Olongapo
