Mataas na inflation sa Camarines Norte posibleng mapag usapan sa Provincial Price Coordinating Council meeting

CAMARINES NORTE- Posibleng mapag usapan sa isa sa mga pagpupulong ng Provincial Price Coordinating Council ang tungkol sa mataas na inflation sa Camarines Norte.

Batay kasi sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) sumipa ang headline inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa lalawigan noong Setyembre sa antas na 6. 0 percent na mas mataas sa 4. 6 percent noong Agosto

Ito na rin ang pinakamataas na antas ng inflation na naitala ngayong taon simula noong Enero at pinakamataas sa loob ng apat na taon sa magkakaparehong buwan.

Sa datos mula sa PSA, ang dahilan ng mataas na inflation noong Setyembre sa lalawigan ay ang mahal na gastusin sa restaurants and accommodation services na nakapagtala ng record high na 13. 0  percent.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa isinagawang Talakayan via zoom kaninang umaga kasama ang Department of Trade and Industry, Office of the Provincial Agriculturist at ilang miyembro ng media, sinabi ni Consumer Protection Division Head Alvin Sayno ng DTI na bilang miyembro ng council ay kanilang bibigyang pansin ang usaping ito.

Paliwanag ni Sayno, ang mga miyembro ng council ay may kaniya- kaniyang hurisdiskyon o mino- monitor na mga produkto.

Ang monitorning umano restaurants and accommodation services ay nasa hurisdiksyon ng LGU.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ang DTI aniya ay siyang in- charge sa monitoring ng post –harvest at processed products.

Ang monitoring naman sa fresh harvest tulad ng karne, isda, farm outputs, prutas, gulay, asukal at iba pa ay sa Department of Agriculture.

Gayunman bilang council ay pwede umanong mapag usapan ang tungkol sa inflation lalo na ang mga commodities na nakapagtala ng mataas na presyo.

Maliban sa gastusin sa restaurants and accommodation services nag ambag din sa inflation noong Setyembre ang mataas ang gastusin sa pabahay, tubig, kuryente at petrolyo na may 8. 7 percent inflation, gayundin ang alcoholic beverages and tobacco, transport at food and non- alcoholic beverages.