Mass grave ng mga nasawi sa bagyongYolanda dinalaw ng mga kaanak at kaibigan

Dinalaw ng mga kamag-anak ang mass grave kung saan nakalibing ang mga mahal sa buhay na nasawi sa super typhoon Yolanda.

Nag-alay sila ng mga panalangin, bulaklak at nagtirik ng kandila para sa mga namatay nilang  pamilya.

Read More:  BIR extends tax filing deadline amid Habagat, eBIRForms issues

Nakalibing sa nasabing mass grave ang mahigit sa 2,200 biktima ng nasabing bagyo.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Para sa mga survivor ang pagdalaw nila sa libingan tuwing Undas ay isang taimtim na okasyon para gunitain ang trahedya.

Matatandaang nanalasa ang bagyong Yolanda sa eastern Visayas noong Nobyembre 8, 2013.