Mask-free Christmas, malabo ngayong taon- DOH

Posible umanong di makamit ng Pilipinas ang target na magkaroon ng mask-free Christmas ngayong taon dahil sa kakulangan ng suplay ng COVID-19 vaccines.

Sa isang panayam, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mataas ang tsansa na tumakbo hanggang 2022 ang COVID-19 vaccination program.

Paliwanag ng kalihim, kailangan ng bansa ng nasa 25 milyong doses kada buwan para makamit ang population protection sa susunod na 130 hanggang 140 araw.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Ayon kay Duque, wag munang umasa ang publiko na di na magsuot ng face mask pagdating ng pasko dahil baka madismaya lamang dahil di naman kontrolado ng bansa ang COVID-19 vaccine supply.

Mababatid na 23 milyong doses ng COVID-19 vaccines pa lamang ang natanggap ng bansa simula nang ilunsad ang inoculation program noong Marso.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Mahigit 10 milyong katao na ang nabakunahan ng isang shot, habang mahigit 4.2 milyon na ang nakakumpleto ng parehong doses, malayo pa rin mula sa target ng gobyerno na magbakuna ng 70 milyong katao para makamit ang herd immunity.

Noong nakaraang buwan, nagpahayag ng kumpiyansa ang Palasyo na mararanasan ng mga Pilipino ang isang mask-free Christmas ngayong taon batay sa projections ng OCTA Research Group.