Mas murang modern traditional jeepney, isinusulong ng MANIBELA

“Matatag, matibay, at gawang pinoy”

Yan ang ilan sa katangian ng modern traditional jeep na isinusulong ng Grupong MANIBELA sa gitna ng isyu ng PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Sa modernized jeep na ito, iba na ang entrada, naka automatic sliding door at mas mataas na ang headroom. Kasya ang nasa tatlumpung katao, may TV, dashcam at GPS.

Read More:  Loren Legarda extends medical leave as Senate confirms absence

Ayon kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena, nagkakahalaga ito ng 600-700,000 na mas mura kumpara sa public utility vehicle na isinusulong ng gobyerno na nasa mahigit 2 milyon.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Bukod sa pagpapalit ng unit, tutol pa rin ang ilang driver at operator na isuko ang kanilang mga prangkisa dahil mahirap nang
kooperatiba ang magpapatakbo ng kanilang hanapbuhay.