Mas mataas na sahod para sa mga guro sa Pilipinas itinutulak ng SDO Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Isinusulong ng Schools Division Office ng Camarines Norte ang mas mataas na sahod para sa mga guro sa Pilipinas.

Sa kaniyang mensahe sa World Teacher’s Day celebration sinabi ni Schools Division Superintendent Crestito Morcilla na kaisa ang SDO Camarines Norte sa pagnanais ng mga guro na tumaas ang sweldo na marapat lamang sa aniya’y itinuturing na mga living heroes.

Inihalimbawa ni Morcilla ang bansang Finland na isa sa itinuturing na mayroong “best education system”  na ang mga guro ang siyang may pinakamalaking sweldo sa pamahalaan.

Aniya, sa isang guro nagmumula ang lahat ng trabaho o propesyon sa buong mundo kaya marapat lamang na maitaas ang kanilang sweldo.

Binanggit din ng opisyal ang tungkol sa mga request for transfer ng mga guro at ito aniya ay kanilang pinag- aaralang mabuti.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *