CAMARINES SUR- Inaasahan ng Department of Agriculture Bicol ang mas mataas na demand ng mga produktong mula sa Camarines Sur patungo sa lalawigan ng Albay.
Ito ay ayon kay DA Bicol, Information Officer Love Guarin matapos na ilikas rin ang mga hayop tulad ng kalabaw, baka , kambing at iba pa at ipa-ani na ang mga puwede nang anihin na mga produkto sa 6 kilometer danger zone na napalawak pa sa 7 kilometer danger zone. Ang provincial government ng Albay naman nagbigay na ng pondo upang mabili ang mga ani na ipapamahagi rin sa evacuation center.
Ayon kay Guarin, mas malawak ang taniman sa Camarines Sur , marami ang mapagkukunan o maaaring bilhin katunayan noong nagkaroon ng KADIWA sa Albay, marami ang lumahok mula sa Camarines Sur.
Tinitiyak ng DA ang food security.