Mas malaking unprogrammed appropriations sa 2024 budget, malaya daw kuwestyunin sa SC

Malaya ang sinuman na kwestyunin ang nilagdaang 2024 General Appropriations Act hangga’t gusto nila.

Ito ang tugon ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Representative Joey Salceda matapos igiit ni Representative Edcel Lagman na “unconstitutional” ang umano’y pagdadagdag ng mahigit 400 billion pesos ng Bicameral Conference Committee sa unprogrammed appropriations ngayong taon.

Sinabi ni Salceda na nakasalalay sa Korte Suprema ang pagpapasya sakaling mayroong maghain ng petisyon.

Pero idinepensa ng kongresista na natalakay sa Kongreso ang isyu kung saklaw ng constitutional prohibition ang unprogrammed funds na mas mataas sa rekomendasyon ng Pangulo.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Paliwanag nito, nakasaad sa Article 6, Section 25 ng Saligang Batas na tanging ang programmed appropriations ang ipinagbabawal na dagdagan ng lehislatura.

Sa katunayan, lumiham pa aniya ang Department of Budget and Management sa kanyang tanggapan upang linawin na ang unprogrammed appropriations ay hindi bahagi ng fiscal program.

Ibig sabihin, kinumpirma umano ng DBM na maaaring dagdagan ng Kongreso ang unprogrammed appropriations taliwas sa binibigyang-diin ni Lagman.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Buwelta pa ni Salceda, mismong kapartido ni Lagman na si dating Senate President Franklin Drilon ang nagtanggol sa pagdadagdag ng unprogrammed appropriations bilang constitutional.

Samantala, kinumpirma ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na maghahain siya ng petisyon sa Supreme Court laban sa 2024 GAA kasama na ang umano’y unconstitutional na 450 billion-peso increase sa unprogrammed appropriations.

Sabi naman ni Lagman, kailangang pag-usapan nila ni Pimentel ang petisyon.