Mas mahigpit na MGCQ sa Pampanga sa ilalim ng EO-17, Extended ulit

Extended sa ikalawang pagkakataon ang mas mahigpit na Modified General Community Quarantine o MGCQ sa lalawigan ng Pampanga, base sa umiiral na executive order number 17 ng Pampanga provincial government.

Sa EO17-B na inilabas kahapon ng kapitolyo, magpapatuloy ang mga umiiral na paghihigpit sa lalawigan hanggang September 15.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Subalit, may ilang pagbabago na tulad ng modified liquor ban, sa ilalim nito pinapayagan na ang pag benta, pag bili at pag inom ng alak.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Papayagan na ang pag inom basta nasa loob ng bahay o compound.

Samantala ang pagpapalawig sa EO17 ay para mapigilan pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo na ng mas nakakahawang Delta variant.