Mas mahigpit na batas vs illegal recruitment syndicates inihain sa Senado

Inihain sa Senado ang panukalang maghihigpit laban sa mga sindikatong sangkot sa illegal recruitment at human trafficking.

Batay sa Senate Bill 2216 na ini-akda ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla layon ng panukalang batas na amyendahan ang Art. 38 (b) ng Presidential Decree 442 (Labor Code of the Philippines) at Section 6 ng Republic Act 8042, ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Sa kanyang panukalang batas, iginiit ni Padilla na pasok na sa “illegal recruitment committed by a syndicate” kung dalawang tao – sa halip ng kasalukuyang tatlo – ang nagsabwatan para gawin ang krimen.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Naniniwala ang senador na kung maging batas ang panukala, magiging mas ligtas at patas ang pagre-recruit ng mga Pilipino para sa trabaho sa ibayong dagat.

Umaasa din itong mas mapapalakas ng batas ang proteksyon sa manggagawang Pilipino, mapipigilan ang economic sabotage, at maisusulong ang economic development ng bansa.// LB edited MHEL PACIA