Mark Barriga, hindi sasayangin ang pagkakataon na makasagupa si Jonathan Gonzalez

Hindi sasayangin ni Mark ‘Baby Boy’ Barriga ang pagkakataon na makasagupa ang Puerto Rican boxer na si Jonathan ‘Bomba’ Gonzalez sa June 24.

Ayon kay Barriga, tiwala ang kanyang manager sa kanyang kakayahan kaya naman dapat ganun din umano siya sa kanyang sarili.

Read More:  More than 100 swimmers to compete in SEA Open Water Championships in Boracay

Aniya bilang isang boksengero ay dapat lagi siyang ready kung saan patuloy siya umanong tutulungan ng kanyang manager na para sa kanyang mga laban.

Read More:  EJ Obiena, wins another gold medal in Poland

Samantala, nasungkit noon ni Barriga ang Southeast Asian Games gold medal at Asian Games bronze medal. (ARGIE ERGINA)