MARINA V director – sibak hinggil sa issue ng MT Princes Empress oil spill

Na-dismiss sa puwesto ang isang regional director ng Maritime Industry Authority (MARINA) kaugnay sa paglubog ng motor tanker Princess Empress na nagdulot ng oil spill sa Oriental Mindoro sa mga kalapit na lugar noong nakaraang taon.

Sa isang pahayag, kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) ang pagkasibak kay MARINA Region V Director Jaime Bea matapos mapag-alamang guilty ito sa grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial sa best interest ng pagseserbisyo.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, nagkaroon na ng mga insidente ng paglubog ng mga vessels, pero wala namang napananagot dito.

Ngayon aniya, lahat ng parties – pribado at pampubliko man – ay magiging accountable na.

Wala umano silang magiging exception dito.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Ani Bautista, polisiya nila ang zero tolerance sa shortcuts, official negligence, at pampababalewala sa mga rules.

Paliwanag ng kalihim, si Bea ang lumagda at nag-apruba ng certificate of ownership/certificate ng Philippine Registry ng MT Princess Empress na “direct contravention” sa rules at procedures.

Bigo rin aniya si Bea na matiyak ang integridad ng process sa
Domestic Shipping Section, at maipatupad ang probisyon ng Citizen’s Charter.