Marcos, ‘no comment’ pa sa napabalitang umano’y demolition sa Speaker

Hindi pa raw magbibigay ng komento si Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa kumakalat na issue sa Kamara na pagpapatalsik kay House Speaker Martin Romualdez sa kanyang liderato.

Ito ang naging pahayag ni Marcos sa League of Provinces of the Philippines 4th General Assembly sa Pampanga, matapos niyang ipakilala si Romualdez.

Ang naturang pahayag ay kasunod din ng pag-deny ni dating pangulo’t ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo na kumikilos siya para mapatalsik sa puwesto ang House Speaker.

Giit pa ni Arroyo, ang hakbang na ito ay isang ‘prerogative’ ng House of Representatives. //SM edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *