Marcos, nilinaw na wala sa plano na italaga si Tulfo bilang presidential adviser

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi ang pagiging presidential adviser ang plano nilang ibigay kay dating social welfare chief Erwin Tulfo.

Ayon kay Marcos, maghahanap sila ng ibang posisyon na pwede kay Tulfo, sa pag-asang maging bahagi parin ito ng administrayon.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Dagdag ng pangulo, kailangang samantalahin ang magandang instincts ng dating DSWD secretary pagdating sa social service.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Mababatid na dalawang beses nang na-bypass ng makapangyarihang Commission on Appointments si Tulfo dahil sa isyu ng citizenship at libel conviction nito.
#