Marcos, nakakuha ng marami pang imbitasyon para sa state visits

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakatanggap umano siya ng maraming imbitasyon para sa state visits, kasunod ng kanyang mga pulong sa mga world leaders sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa Thailand.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Partikular na inihayag ni Marcos ang pag-uusap nila ng mga opisyal ng France, Saudi Arabia, Australia, New Zealand, at Vietnam.

Sa gitna nito, sinabi ng pangulo na aayusin muna ng kanyang team ang schedule bago gumawa ng commitment.

Read More:  DFA warns Chinese Embassy over controversial social media posts

Nitong buwan lang, inihayag ng Department of Foreign Affairs na dadalo si Marcos sa ASEAN-EU Summit sa Brussels, Belgium, at nakatakda ring bumisita sa China sa Enero kasunod ng imbitasyon ni Xi. //MHEL PACIA