Isyu sa climate change pangunahing concern ng lahat ng mga world leaders sa APEC

Inilawaran ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang katatapos pa lamang na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Thailand bilang matagumpay.

Kaugnay nito, maraming mga world leaders din umano ang nakabuo ng mga agreements sa regional economic forum.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Binigyang diin ng pangulo, na ang climate change ay isa sa pinaka-concern sa mga world leaders.

Ayon kay Marcos, ito umano ang bagay na kanilang napagtanto, kaya nagkasundo sila na bumuo ng mga hakbang upang mapigilan o labanan ito.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Una nang umapela ang pangulo sa APEC leaders na tugunan ang climate change, na inilarawan nito bilang “greatest existential threat” na nakakaapekto sa rehiyon.

Samantala, nagkaroon naman ng pulong si Marcos sa mga business leaders na planong mag-invest sa Pilipinas. //MHEL PACIA