Marcos ipinag-utos na madaliin ang pagkumpuni ng mga nasirang water system

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos na iprayuridad ang pagkumpuni ng mga nasirang water system sa mga lugar na niyanig ng 7.0 magnitude na lindol kahapon.

Sa ginanap na situational briefing sa Camp Juan Villamor, Bangued, Abra inatasan nito ang Department of Public Works ang Highways na tumulong sa LGUs para agad na maibalik ang suplay ng tubig.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Sa naturang pulong iminungkahi naman ni Senador Imee Marcos sa Pangulo ang paggamit ng mga solar water purifiers.

Sumang-ayon naman dito ang punong ehekutibo at sinabing napapanahon ang pagbili ng naturang mga water purifiers para magamit sa mga ganitong sakuna.

Makakatulong umano ito upang maiwasan ang pagkalat ng sakit katulad ng cholera, diphtheria at iba pa.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Inihayag naman ni DILG Sec. Benhur Abalos sa Pangulo na maydala itong 10 portable water purifiers na ginamit ng MMDA noong sumalanta ang bagyong Odette sa Bohol at sa Samar.

Sa kabila nito binigyan-diin naman ni Pangulong Marcos na ang pangunahing solusyon pa rin sa problema sa tubig ang mabilis na pagsasa-ayos ng mga nasirang water system.