Gilas Pilipinas, inaasahang makakasama na nila sa training si Jordan Clarkson sa August 15

Inaasahan ng Gilas Pilipinas na makakasama na nila si Utah Jazz guard Jordan Clarkson sa August 15,

Ayon kay national coach Chot Reyes, nakakapunta at makakapagsanay na umano siya kasama ang team, simula sa August 15 para sa susunod na window.

Read More:  Memphis Grizzlies remain undefeated with 5-0 start to NBA season

Mababatid na ang Pilipinas ay nakatakang maglaro sa Asia Cup finalist Lebanon sa August 25, at sa host na Saudi Arabia matapos naman ang apat na araw para sa second round ng Fiba World Cup Asian Qualifiers.

Read More:  Carlos Yulo finishes eighth in floor exercise at Artistic Gymnastics World Championships

Sinasamantala naman ito ng Nationals para sa kanilang build-up para sa global showcase sa Pilipinas susunod na taon.

Matatandaan na noong 2018 Asian Games nang huling mag-reinforce si Clarkson sa Gilas.