Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Sandiganbayan noong 2012 na ibasura ang isang kasong may kinalaman sa pagkakaroon ng mga Marcos ng interest sa ilang banking, brewery, at tobacco business.
Ayon sa Korte Suprema hindi na napatunayan ng mga ebidensya laban sa pamilyang Marcos kung paano ginamit ang kanilang opisina, otoridad, impluwensya, connections, at relasyon para magkaroon ng interest sa mga negosyo.
Taong 2012 pa ibinasura ng Sandiganbayan ang nabanggit na kaso.
Sinabi noon ng Sandiganbayan na bigong mapatunayan ang ill-gotten wealth dahil hindi naipakita na ginamit ng Marcoses ang mga government source.
