Marcos: agriculture expert ang papalit para sa DA, hindi retired military official

Mas pabor si President Ferdinand Marcos Jr. na isang agriculture expert ang uupo bilang Department of Agriculture (DA) secretary at hindi retiradong military o police official, dahil umano sa complexity ng naturang posisyon.

Ayon kay Marcos, na ang posisyon ay hindi “right place” para sa military man maliban na lamang kung may karanasana umano ito sa agrikultura.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Sinabi naman ng punong ehekutibo na bababa siya bilang chairman ng DA, sa oras na matanggal na ang ilang items sa kanilang “bucket list”.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Binigyang diin pa nito na sa ngayon, ginagawa ng administrasyon ang lahat ng ‘hard things” habang siya pa ang namumuno sa naturang ahensya.