Manufacturer ng sardinas, humirit ng higit P3 na dagdag-presyo

Humirit ang mga manufacturer ng sardinas ng higit P3 na dagdag-presyo.

Ayon kay Canned Sardines Association of the Philippines Executive Director Francisco Buencamino, dati pa nilang hiling ang P3 na taas-presyo sa kanilang produkto at sa tingin nito hindi pa rin sapat kung ipapatupad ngayong taon kaya’t posibleng taasan pa ang umento.

Read More:  DSWD assures safety of rice in family food packs amid reports of unusual smell

Giit pa ni Buencamino, hindi na rin nila kaya magtiis hanggang matapos ang taon.

Read More:  Marcoleta says threats to Guteza’s life and family may have driven his recantation

Bukod dito, dumadaing na rin ang mga manufacturer ng karne kaya’t asahan na may bahagyang pagtaas ng presyo sa mga karneng pang noche buena.