Manuel – idinaan sa BINI song ang pagtutol sa pagpasa sa Budget

Pinuna ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel ang pagratsada o mabilis na pag-apruba sa 2025 General Appropriations Bill sa Kamara.

Partikular na binatikos ni Manuel ang pagsertipika ni Pangulong Bongbong Marcos bilang urgent sa panukalang pambansang budget na ang idinahilan ay ang “uninterrupted operation of critical government functions”.

Hindi aniya titigil ang operasyon ng gobyerno kung hindi agad ipapasa ang House version lalo’t hindi naman nagmamadali ang Senado.

Punto ng kongresista, hindi sapat na ginawang 733 million pesos ang budget ng Office of the Vice President dahil masyado pa rin itong malaki habang kulang naman ang pondo para sa edukasyon at state universities and colleges, physical at mental health at climate change.

Read More:  Kitty Duterte says she has ‘No lingering thoughts’ amid family controversies

Ang ikinaiinis ni Manuel ay mayroong pondo na nakahanda para sa unprogrammed appropriations na bagong uri umano ng presidential pork at may pera rin para ipantustos sa confidential at intelligence funds ng Armed Forces, National Security Council at Office of the President.

Read More:  Palarong Pambansa 2026 to proceed despite oil price crisis

Dahil dito, idinaan sa kanta ni Manuel ang pagkadismaya gamit ang popular na awitin ng P-Pop group na BINI:

“Ayokong umasa sa paniniwalang
May pag-asa nga ba na ang taumbayan ay mapagbigyan?

Mahiwagang salamin, kailan na ba aaminin
Kanyang tunay na layunin
Mahiwagang salamin, ano ba’ng dapat gawin?
Bakit serbisyo’y nabibitin?

Salamin, salamin sa dingding,
nasaan na ang funding?
Salamin, salamin sa dingding
Pwede mo bang sabihin?
Salamin, salamin sa dingding,
nasaan ang funding?
Salamin, salamin, kailan ba tayo papansinin?”