Manifesto vs People’s Initiative – inilabas na ng Senado

Binasa na ni Senate President Migz Zubiri ang laman ng kanilang manifesto.

Ito ay may kinalaman sa ginawa nilang pagtutol para sa nagpapatuloy na People’s Initiative na layong amiyendahan ang 1987 Constitution.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Sa pagbubukas ng sesyon ngayong hapon, inisa-isa ng Senate leader ang nilalaman ng manifesto ng mataas na kapulungan ng Kongreso na pirmado pa ng lahat ng mga senador.

Sabi ni Zubiri – nagkaisa raw ang Senado para tutulan ang umano’y bastion ng ating demokrasya, at tahasang paglabag sa ating Konstitusyon.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Kung maaalala – una nang sinabi ni Senate committee on Constitutional Amendments chair Senador Robin Padilla na nag-abstain siya sa manifesto, pero sa binasang manifesto ni Zubiri ay nakalagda na rin ito.
#