MANIBELA Chair Valbuena, itinangging siya ang nagsulsol kay Tumbado para isiwalat ang korapsyon sa LTFRB

Mariing tinanggi ni MANIBELA Chair. Mar Valbuena na siya ang nagsulsul kay dating LTFRB Executive Assistant Jeff Tumbado para magsiwalat ng alleged corruption ng ahenysa.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Valbuena, sinabi nito na si whistleblower Tumbado ang lumapit sa kanila bago nila isagawa ang press conference na para sana sa ikakasang tigil-pasada at hindi niya alam ang mga pasabog nito.

Read More:  COMELEC forms anti-vote buying task forces for BARMM Elections

Samantala, blangko naman raw si Manibela President sa naging pagkambyo ni Tumbado sa mga naunang statement nito at biglaang pag-atras ng kasong isasampa laban sa mga opisyal ng LTFRB.

Read More:  DA urges Filipinos to stop wasting rice as PhilRice says 10.85 million sacks are wasted yearly

Samantala, ikinalugod naman ni Transportation Sec. Jaime Bautista ang recantation ni Tumbado na luminis sa kanyang pangalan sa pagkakadawit sa mga umano’y kalokohan sa tanggapan.