Mangingisda sa Kawayan, Biliran—patay matapos tamaan ng kidlat habang nangingisda

Nauwi sa hindi inaasahang trahedya ang paghahanap-buhay ng isang mangigisda sa bayan ng Kawayan, Biliran matapos na masawi nang tamaan ng kidlat habang nangingisda.

Read More:  Murad Ebrahim stresses moral governance on FAB anniversary

Kinilala ang Biktima na si Reynaldo Luna, 41, residente ng Brgy. Buyo sa naturang bayan.

Ayon kay PLT. Rodolfo Dimessa, Hepe ng Kawayan PNP, nangyari ang naturang insidente noong Miyerkules.

Read More:  Maguindanao del Norte barangay captain survives shooting attack

Habang nagmamadaling bumalik naman ang kanyang kasamahan habang lulan ng motorized boat ang wala ng buhay na bikitima.

Labis naman ang paghihinagpis ng mga kaanak at pamilya ng biktima sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay.