Mangingisda, patay matapos malunod sa Calatagan, Batangas

Patay ang isang mangingisda ng matagpuan ito na palutang-lutang sa dagat sa bahagi ng Sitio Aplaya, Brgy Balibago, Calatagan, Batangas.

Kinilala ng Calatagan Municipal Police Station ang biktima na si Rosalito Lobiras, 38 anyos at residente ng nasabing barangay.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ayon sa imbestigasyon, natagpuan umano ang biktima ng mga kapwa niya mangingisda na palutang-lutang sa dagat na nasa humigit kumulang 200 metro ang layo sa baybayin.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ayon sa amo ng biktima, huling nakita ito na nasa impluwensya ng alak bandang alas-6:30 ng gabi ng Hulyo 20, 2022.

Samantala, wala naman umanong nakikitang foul play sa nangyaring insidente.