Mangingisda, huli matapos manaksak sa Guinayangan, Quezon

Huli ang isang mangingisda matapos umano nitong saksakin ang isang 29-anyos na lalaki sa Barangay Calimpak, Guinayangan, Quezon nitong Martes, Pebrero 21.

Ayon sa report, naglalakad noon sa eskinita ang biktimang si John Kenneth Mayo nang bigla umanong dumating ang 47-anyos na suspek saka walang anu-ano’y sinaksak ang biktima.

Read More:  PWD allegedly assaulted by cousin in General Santos City

Tumama ang naturang saksak sa kaliwang bahagi ng mukha ng biktima kung kaya agad rin itong dinala ng kanyang asawa sa hospital para malapatan ng lunas.

Read More:  Senior Citizens in Gensan find fun, fitness in Pickleball

Samantala, kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Guinayangan Municipal Police Station (MPS) ang suspek habang inihahanda ang reklamo laban sa kanya.