Mandatory vaccination sa face-to-face classes, malabo – vaccine expert

Naniniwala si Vaccine Expert Panel chairperson Dr. Nina Gloriani na baka mahirapan pang ipatupad ang mandatory na bakunahan sa mag estudyanteng sasabak sa expanded face-to-face classes.

Una na kasing sinabi ng Department of Education na inaasahan nilang babalik na sa 100% ang face-to-face classes kung saan ay hinikayat nito ang mga learners na kung maaari ay magpabakuna na rin para ligtas ito mula sa banta ng COVID-19.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Sa #LagingHanda press briefing, sinabi ni Gloriani na kahit nga raw sa adults ay mahirap ipatupad ang mandatory na pagbabakuna.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Sa ngayon aniya, mas mahalaga kung ang mga guro at iba pang staff sa paraalan ang mas magkaroon ng bakunahan.

Giit ni Dra. Gloriani, mas makabubuti kung fully-vaccinated na ang mga makakasalamuha ng mga bata.
#