Mananalong Miss Gay Bicolandia 2023 tatanggap ng P50K bukod pa sa iba pang mga benipisyo

NAGA CITY – Hindi lamang ang Miss Bicolandia 2023 ang inaabangan ng publiko sa mga gaganaping aktibidad para sa Peñafrancia Fiesta celebration ngayon taon kundi maging ang Miss Gay Bicolandia.

Nasa ika-54 taong ng ginagawa ang patimpalak na ito na nilalahukan ng mga nasa gay community na pinangungunahan ng Cher Amie International at siyang kinokonsiderang     longest running Gay Beauty Pageant in South East Asia.

Umabot sa 17 ang official candidates na inirampa noong nakaraang Sabado na galing naman sa iba’t-ibang lalawigan sa Bicol Region, tulad ng Albay, Sorsogon, Camarines Sur, at Camarines Norte.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kasabay sa pagpakilala nito sinabi ng City Government ang mga premyong tatanggapin ng mga masusuwerteng mananalo ay P50, 000.00  sa tatanghaling Miss Gay Bicolandia 2023.

Sa mga runner-ups naman mula sa P10K hanggang P25K. Bukod pa iyan sa mga special at minor awards mula sa kanilang mga sponsors.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nakapanayam naman ng Brigada News FM Naga si Naga City Vice Mayor Cecilia de Asis at sinabi nitong makakadagdag ng kulay sa pagdiriwang ng piesta ang ganitong patimpalak ng pagandahan ng mga gays.

Ayon sa bise alkalde, personal niyang suportado ang LGBTQ A Plus sa lungsod at kahit limitado lamang, may pondo silang inilaan sa mga ito.

Ang Coronation Night ay gaganapin sa September 7, alas siyete ng gabi sa JMR Coliseum.