Mambabatas: walang direktiba ang Kamara para gawing ‘regalo’ ang Cha-Cha kay PBBM

Walang direktiba ang liderato ng Kamara na gawing regalo kay Pangulong Bongbong Marcos sa ikatlong State of the Nation Address o SONA ang pag-amiyenda sa Konstitusyon.

Ito ang paglilinaw ni Antipolo City Second District Representative Romeo Acop kasunod ng alegasyon ng Kabataan Party-list na may timeline na umano ang pagpapatupad sa People’s Initiative upang maisulong ang mga pagbabago sa 1987 Constitution.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Sinabi ni Acop na wala siyang impormasyon ukol sa umano’y pagreregalo sa pangulo ng Cha-Cha.

Batid ng kongresista na may inihain nang resolusyon ang kasamahan sa Kamara na si House Deputy Minority Leader France Castro para paimbestigahan ang signature campaign para sa People’s Initiative.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Anuman aniya ang maging pasya ng mga awtoridad ay nakahanda silang tumalima.

Pagtitiyak pa ni Acop, walang nangyayaring bayaran ng mga botante sa kanyang distrito para suportahan ang Cha-Cha at lahat ng lalagda sa kampanya ay lehitimong galing sa constituents.